Message Board


web stats

Wednesday, August 30, 2017

Mga prodyuser at buyer ng gulay sa South Cotabato, pinulong ng DA 12

Nagtipon-tipon ang mga prodyuser at buyer ng gulay sa South Cotabato sa ipinatawag na forum ng Agribusiness and Marketing Assistance Division o AMAD ng Department of Agriculture 12 o DA 12 sa Koronadal City kamakailan lamang.
Sa pakikipagtulungan ng DA 12 sa Office of the Provincial Agriculturist ng naturang lalawigan, naisakatuparan ang aktibidad kung saan naglalayon ang pagtitipon na mailapit ang mga prodyuser sa kanilang mga buyer.
Ang mga buyer na ito ay kinabibilangan na lamang ng Koronadal Market Vendors’ Association at mga mall.
Ayon kay AMAD Officer-In-Charge Evelyn Jaruda ang forum ay isang paraan hindi lamang upang makahanap ng buyer ang mga prodyuser kundi pati na rin ang pagtuklas sa angkop na presyo para sa kanilang mga produkto.
Tiniyak din nito ang mga vegetable producer na palaging handa ang ahensya sa pagbibigay ng marketing assistance sa kanila kung kinakailangan.
Inilahad din nito na sa katunayan ay patuloy ang partisipasyon ng DA 12 at ng ibang magsasaka sa rehiyon sa TienDA Farmers and Fishermen’s Outlet kung saan ay dinadala ang mga produktong pang-agrikultura mula sa iba’t ibang panig ng bansa patungo sa lugar na pinagdadausan ng DA.
Dagdag pa nito na nilalayon sa ngayon ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mas palawakin pa ang TienDA sa Visayas at Mindanao upang mas maraming magsasaka at mangingisda pa ang makakabenepisyo.
Sa pagtitipon ay ibinalita rin sa mga magsasaka ang panibagong laon program ng pamahalaan na Production Loan Easy Access Program. 


Direktor Casis hinikayat ang mga lokal na pamahalaan na palagiang makipag-ugnayan sa DA

Hinihikayat sa ngayon ni Department of Agriculture 12 o DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis ang mga lokal na pamahalaan na ugaliing makipag-ugnayan sa ahensya.

Ito ang kanyang hamon sa mga partisipante ng isang forum sa Koronadal City para sa implementasyon ng Philippine Rural Development Project o PRDP.

Ipinaliwanag ni Director Casis na dahil sa kakulungan ng palagiang pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan sa DA, hindi agarang nabibigyang solusyon ang iilang problema sa implementasyon ng mga proyektong pang-agrikultura.

Tiniyak naman ng opisyal na gagawing regular na rin ng DA 12 ang pagsasagawa ng forum upang i-assess ang implementasyon hindi lamang ng PRDP kundi pati na rin ng iba pang proyekto ng ahensya. 

Sa kabilang dako, ang forum ay resulta ng rekomendasyon ng World Bank sa ginanap na World Bank Review Mission sa Sarangani noong Mayo na mas paigtingin pa ng DA ang pakikipagpulong nito sa mga lokal na pamahalaan.

Ibinalita rin sa mga partisipante ang mga bagong guidelines sa proyektong imprastruktura ng PRDP at status ng mga proyektong iniimplementa sa Rehiyon Dose.

Inimbita naman ang mga contractor sa pagtitipon upang paalalahanan sila na kinakailangang matapos ang isang proyekto sa nakatakdang araw na nakasaad sa mga project design.


No comments:

20th National Tuna Congress Broke Records!

Ms. Rosana Contreras, Executive Director of Socsksargen Fishing and Allied Industries Incorporated (SFFAII), Friday, said that the 20 th N...