Nagtipon-tipon ang mga prodyuser at
buyer ng gulay sa South Cotabato sa ipinatawag na forum ng Agribusiness and
Marketing Assistance Division o AMAD ng Department of Agriculture 12 o DA 12 sa
Koronadal City kamakailan lamang.
Sa pakikipagtulungan ng DA 12 sa
Office of the Provincial Agriculturist ng naturang lalawigan, naisakatuparan
ang aktibidad kung saan naglalayon ang pagtitipon na mailapit ang mga prodyuser
sa kanilang mga buyer.
Ang mga buyer na ito ay
kinabibilangan na lamang ng Koronadal Market Vendors’ Association at mga mall.
Ayon kay AMAD Officer-In-Charge
Evelyn Jaruda ang forum ay isang paraan hindi lamang upang makahanap ng buyer
ang mga prodyuser kundi pati na rin ang pagtuklas sa angkop na presyo para sa
kanilang mga produkto.
Tiniyak din nito ang mga vegetable
producer na palaging handa ang ahensya sa pagbibigay ng marketing assistance sa
kanila kung kinakailangan.
Inilahad din nito na sa katunayan ay
patuloy ang partisipasyon ng DA 12 at ng ibang magsasaka sa rehiyon sa TienDA
Farmers and Fishermen’s Outlet kung saan ay dinadala ang mga produktong
pang-agrikultura mula sa iba’t ibang panig ng bansa patungo sa lugar na
pinagdadausan ng DA.
Dagdag pa nito na nilalayon sa ngayon
ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mas palawakin pa ang
TienDA sa Visayas at Mindanao upang mas maraming magsasaka at mangingisda pa
ang makakabenepisyo.
Sa pagtitipon ay ibinalita rin sa mga
magsasaka ang panibagong laon program ng pamahalaan na Production Loan Easy
Access Program.
Direktor Casis hinikayat ang mga lokal na
pamahalaan na palagiang makipag-ugnayan sa DA
Hinihikayat
sa ngayon ni Department of Agriculture 12 o DA 12 Regional Executive Director
Milagros Casis ang mga lokal na pamahalaan na ugaliing makipag-ugnayan sa
ahensya.
Ito ang
kanyang hamon sa mga partisipante ng isang forum sa Koronadal City para sa
implementasyon ng Philippine Rural Development Project o PRDP.
Ipinaliwanag
ni Director Casis na dahil sa kakulungan ng palagiang pakikipag-ugnayan ng mga
lokal na pamahalaan sa DA, hindi agarang nabibigyang solusyon ang iilang
problema sa implementasyon ng mga proyektong pang-agrikultura.
Tiniyak
naman ng opisyal na gagawing regular na rin ng DA 12 ang pagsasagawa ng forum
upang i-assess ang implementasyon hindi lamang ng PRDP kundi pati na rin ng iba
pang proyekto ng ahensya.
Sa
kabilang dako, ang forum ay resulta ng rekomendasyon ng World Bank sa ginanap
na World Bank Review Mission sa Sarangani noong Mayo na mas paigtingin pa ng DA
ang pakikipagpulong nito sa mga lokal na pamahalaan.
Ibinalita
rin sa mga partisipante ang mga bagong guidelines sa proyektong imprastruktura
ng PRDP at status ng mga proyektong iniimplementa sa Rehiyon Dose.
Inimbita naman
ang mga contractor sa pagtitipon upang paalalahanan sila na kinakailangang
matapos ang isang proyekto sa nakatakdang araw na nakasaad sa mga project
design.