THE STATE OF THE REGION ADDRESS
BY: HON.
MUJIV S. HATAMAN
Governor, ARMM
December 01, 2014
2:00 P. M.
Sharif Kabunsuan Cultural Complex
ARMM Government Center Cotabato City
Bismillahir Rahmaneer Raheem
Assalamu Allaykum
Speaker Datu Roonie Sinsuat at
mga Mimyembro ng Regional Legislative Assembly
Sec. Ging Deles
Sec. Voltaire Gazmin
BTC Chairman Mohager Iqbal
Executive Secretary Laisa Masuhod
Alamia at mga Miyembro ng Gabinete
An gating mga Deputy Governors,
Hilario Tanzo For Ips, Louis Alano for Christian Affairs
At Yusoph Jikiri for Muslim
Affairs,
Gov. Mamintal Adiong Jr.
Gov. Nurbert Sahali
Gov. Jum Akbar
Vice Governor Al Rashid Sakalahul
Vice Governor Lester Sinsuat
Mga Opisyal ng Local na
Pamahalaan
Civil society Organizations
International Organizations
Mga Opisyal at Kawani sa
Unipormadong Hanay,
Mga Kapwa ko Manggagawa sa
Pamahalaan,
Mga Minamahal Kong Kababayan,
Magandang hapon po sa lahat!
Magtatatlong taon na mula ng manungkulan
ako sa pinagsamang termino bilang oic at halal na governor ng arm. At mula noon
ay sinikap at nagawa po nating ayusin at baguhin ang arm mula sa dati nitong
kalagayan. Sama-sama tayong nangarap at kumilos upang patunayang kaya nating
gawing possible ang akala ng mga nagduda ay napaka-imposibleng mangyari.
Naibalik po natin ang tiwala ng pambansang pamahalaan sa atin, naibalik natin
ang tiwala at suporta ng ating mamayan
sa pamahalaan ng arm, at higit sa lahat nabago natin ang negatibong pananaw sa
atin ng mga taga-labas ng rehiyon. Andito na ang pagbabago, hindi na tayo
kelangang lumayo pa ditto sa mismo sabulwagang ito, makikita at ramdam na natin
ang pagbabago.
Humarap ako sa inyo ngayon upang ilahad
ang aking pangalawang state of the region address, at ito na ang kahuli-hulihang state of the region address sa kasaysayan ng
arm. Pero hindi po ako magbibigay ng farewell address, hindi po ngayon. Ang
kalagayan po n gating rehiyon ang isalaysay ko.
Pero bago ang lahat, nais ko pong
balik-tanawin an gating nakaraan.
Para po sa kaalaman ng lahat, na sa
hinagap o panaginip, hindi po sumagi sa aking isipan ang pangaraping maging
bahagi o higit lalo ang mamuno sa armm, isang lugar na banggitin lang ang
pangalan ay nagdudulot na agad ng takot at kwento sa katiwalian at dayaan sa
panahon ng halalan. Pumapatak ang arm sa headlines sa panahon ng eleksyon
bilang balonsa mga boto na nagpasya sa kapanalunan ng mga kandidato. Sa arm
lang maaring maging zero ang isang kandidatong nais ilampaso ng sino mang nasa
poder nito.
Alam kong bawat isa sa atin ay dama kong
gaano kahirap ang mamuno sa arm, kaya nung kinausap ako ni pangulong noy upang
pamunuan ang arm, para akong humarap sa isang napakalaking bundok ng hamon. Pag
uwi ko ng bahay kinausap ko ang aking asawa. Sabay naming kinausap ang aming
anak, at sabi nya “amah akala ko magiging driver ka lang naming sa eskwelahan.”
Naging hudyat na mensahe ito para sa akin, nabuo nito ang aking desisyon na
aakuin kong maging driver ng sambayanang moro upang ihatid sila sa isang
magandang bukas na napakatagal na nilang inaasam. Ito na ang pagkakataon, ang
nakaatang sa akin ay hindi prestihiyo o karangyaan ng posisyon, kundi kauparan
ng isang misyong inako ko na sa aking buhay, ang paglingkuran ang bangsamoro.
At sa desisyong ito, inaalay ko ang aking sarili ng buo sa kapasyahan ng
panginoong allah.
Mabigat man ang hamon pero masaya po ako
sa pag umpisa n gating paglalakbay dahil ang komunidad na aking pinanggalingan
ang civil society na binubuo ng mga ngos at peoples organizations ay nanguna at
umagapay sa atin sa pagbalangkas ng isang road map para sa transitional reform
government. Kasabay nito ay agad ding nagbigay ng suporta ang mga local
government executives ng arm upang maipwesto ng maayos ang binabalak nating mga
programa. Sa pamamagitan nito tiniyak natin maging tama an gating unang hakbang
sa tuwid na daan.
Ang nagging pangkalahatang palisiya po na
gumabay sa ating pamamahala ay binalangkas natin bilang ‘the three pillars of
vreform’. Dito sumentro an gating pag-aral sa mga suliranin at ang mga akma at
nararapat na paraan para lunasan ang mga ito. Sa buong panahon n gating
panunungkulan isinapuso natin ang good governance, socio-economic development
at peace and security. Sa lilim ng three pillars of reform umiinog an gating
pagkilos sa halos tatlong taon nating pagsusumikap upang gawing possible ang
imposible.
Pero higit ho sa atin na andito ngayon,
ang susi ng pagbabago na ating nakamit ngayon ay nasa kapasyahan ng ating mga
mamamayan. Sila na sa kabila ng pagdurusa, sa kabila ng kahirapan ay patuloy na
nagsusumikap at nag aambag ng munting kontribusyon sa sarili nilang paraan para
sa kaunlaran ng rehiyon at para sa ating kinabukasan.
Habang tayo’y narito ngayon sa oras na
ito, sa isang liblib na pook sa isla ng basilan, sa kabila ng mga naka-ambang
peligro, isang guro ang walang pagod na nagtututro, ginagampanan ng walang
pag-iimbot ang kanyang tungkulin upang mabigyan ng magandang bukas an gating
kabataan.
Sa kabundukan ng Lanao sur, isang
magsasaka ang sa ngayo’y naghaharvest ng kanyang tinanim na sili at sakurab,
ilalagay ito sa sako upang tuluyang gawing palap na pampagana sa hapag kainan
nating lahat. Sa oras na ito, ang mga mamamakalaya sa isla ng sulu ay
pumapalaot na para mangisda, habang sa isla ng tawi-tawi ang mga seaweed
farmers nama’y naghaharvest ng agar-agar. Sila ang nagbibigay sa atin ng biyaya
mula sa ating karagatan.
Sa eskwelahan naman sa isang munisipyo
ditto sa maquindanao, sa oras na ito ngayon, ang mga bata ay nagbabasa ng libro
at nagsusulat sa kanilang mga notebook, at mayamaya lang ay masayang
magsisitakbuhan para maglaro imbes na magtakbuhan para magtago ng di tamaan ng
mga bala ng digmaan.
At mamaya
lang sa pagsapit ng gabi, isang nanay na empleyado ng armm ang maghahanda ng
hapunan, at masayang nagpapahinga kasama
ang buong pamilya, at sa gabing mapayapa ay ihihimlay ang pagod na katawan
upang bukas ay kakayod na naman para pagsilbihan ang mamamayan.
Sila po ang mamamayang ating
pinagsisilbihan, ang tahimik at mga walang mukhang pinaghuhugutan natin ng
lakas bilang isang rehiyon. Ang dahilan kung bakit tayo narito ngayon.
Nagyon sa bulwagang ito, ang mamamayang
ating pinaglingkuran at tayong mga lingcod bayan ay may iisang tinig. Ang
resulta n gating pagtutulungan at pagsusumikap ang magbibigay ng tunay na mukha
sa kalagayan n gating rehiyon. Ito ang pagbabagong ating pinapaniwalaan at pinapangarap.
Ano nga ba ang bago sa arm?
Sa umpisa pa lang ng ating panunungkulan
siniguro natin ang hayag at tamang proseso sa lahat ng transaksyong ating
pinapatupad. Lahat ng mga proyekto ng gobyerno ay dinadaan na natin sa hayag at
competitive bidding alinsunod sa mga patakaran ng commission on audit. Dagdag
pa rito inatasan natin ang lahat ng mga opisyal sa armm na ilahad sa publiko
ang mga personal contact numbers para sa madaliang access sa kanila. Kasama po
din ako, kaya nga andami ko nang mga textmates ngayon, kapwa haters at mga
friendlies.
Noon kailangan ng koneksyon at palakasan
para makakuha ng trabaho sa armm, ngayon ang hiring at promotion ng mga
empleyado ay dinadaan na natin sa regional selection and promotion board o
rspb. Lahat ng mga kwalipikado ay may patas na oportunidad nang makahanap ng
trabaho sa ating pamahalaan na di na kelangang magbayad., mangoneksyon o dumaan
sa palakasan.
Ngayon pinapatupad na natin ang open
governance. Lahat ng departamento, kagawaran o tanggapan ay inatasan nating
i-publish sa kanilang mga websites, ang mga kaukulang impormasyon ng kanilang
mga proyekto, pondo at mga aktibidad.
Inayos natin ang ating mga gusali at mga
institutionalisasyon sa ating pagpapatakbo ng mga opisina.Lahat ng mga
ahensyang may frontline sevices ay kailangang merong citizens charter. Sa
tulong ng development academy of the Philippines, pinahusay natin ang mga
sistema sa operasyon ng mga tanggapan upang maging propesyunal at episyente ang
mga ito sa pagpapatupad ng kanilang mga mandato at hindi lang opisinang
ginagawang tambayan ng mga walang ginagawa.
Inaayos din natin ang proseso sa pagplano
at pagtiyak sa partisipasyon ng ating mga Igus at csos sa pag-konseptualisa,
pagtakda at pagpapatupad ng mga proyekto kaya binuhay at ginawa nating aktibo
ang regional economic and development planning board o redpb na
pinangangasiwaan n gating rpdo.
Sa ating binagong kalakaran, ito ang mga
resulta.
Nakilala tayo sa buong bansa dahil sa
ating ghost-busting. Kaya palaging balik-balikan ang usaping ito. Sa pagitan po
ng 2012 at 2013, may 75,242 “ghost” students ang ating natanggal, at sa
kasalukuyang taon, 21,374 naman na “ghost” enrollees ang ating nabura sa
listahan. Hindi napo tayo tirahan ng mga
‘ghosts’ ngayon.
Noon,
ang pagkuha ng pwesto sa pagtuturo ay dinadaan sa palakasan, Ngayon ay
sa tamang proseso at hayag na pamamaraan, dahil ditto meron na tayong na hire
at na-promote na 454 bilang na empleyado sa buwan ng hunyo. Dagdag pa rito
nakapagrekluta tayo ng 1,323 na mga bagong guro na sabay sabay nanumpa sa
kanilang tungkulin noong buwan ng mayo. May kasunod pa ho tayong idagdag ditto
na 2,000 na mga gurong de-kalidad, tapat sa trabaho at handing magsakripisyo
para sa kapakanan at kinabukasan n gating mga kabataan.
Dahil sa palakasan noon, hindi tumutugma
ang kaalaman at kakayahan ng mga nakukuhang guro sa kanilang posisyon. Inayos
natin ito, at sa pamamagitan ng teachers assessment and competency eamination o
tace ay naitatalaga natin sa tamang pwesto ang mga bagong guro.
Dahil naayos natin ang pamamalakad sa
dep.ed. at napataas ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro, sa national
achievment test ngayong taon, nagpakita
ng makabuluhang pag-unlad sa kanilang
kakayahan an gating mga mag-aaral sa rehiyon. Ang mga estudyante natin sa
elementarya ay nakakuha ng average score na 62.2% kumpara sa 57.25% noong 2013,
habang sa high school naman ay 44% mula sa dating 38.22% sa nakaraang taon.
Sa mahigit dalawang dekada, nagdurusa ang
libu-libo nating mga guro sa kasakiman ng iilan. Ang kanilang kontribusyon sag
sis na awtomatikong kinakaltas mula sa kanilang sahod ay napunta sa wala,
naglaho na parang bula. Dahil ditto sa mahabang panahon ay wala po silang
makukuhang benepisyo mula sag sis. Kaya pinilit nating ayusin ang kanilang
masaklap na sitwasyon. Isang memorandum of agreement, an gating pinirmahan
kasama ang department of budget and management at ang gsis noong june 11,2014.
Sa pamamagitan ng moa na ito binayaran ng national government sa pamamagitan na
dbm ang p891.4 million na halaga ng unpaid premiums sag sis at magdadagdag pa
ng bagong p100 million sa loob ng isang taon.
Ngayon matatanggap nan g ating mga kawani
sa dep.ed. ang bebepisyong dapat lang ay sa kanila, pati po ang mga retiradong
kawani at kanilang mga benepisaryo ay makukuha rin ang kanilang mga kaukulang
refunds. Dahil ditto ramdam natin ang tuwa at saya sa ating mga guro ngayon.
Ginagawa natin an gating tungkulin para sa ating mga guro, at natitiyak kong
susuklian naman nila tayo ng panibagong sigla sa paggampan sa kanilang
tungkulin.
Syempre hindi din tayo nahuhuli sa
pagbibigay ng kaukulang halaga sa pagpapalakas ng pundasyon n gating
pananampalataya at paniniwala para sa ating mamamayan lalo na an gating
kabataan. Pinatibay natin ang ating
madaris system, Kung saan umabot na sa 700 na karagdagang Arabic language and
islami values education o alive teachers ang pumasa sa qualifying examination
ang nadeploy natin sa ibat-ibang public elementary schools mula January nitong
taon. Sa kasalukuyan ay tumaas nap o ng 77 mula 50 noong 2012 ang pilot madaris
na gumagamit nan g standard madrasah curriculum.
Naorganisa na rin natin an gating mga
muslim religious leader o mga ulama sa bisa n gating executive order no. 09
series of 2013 na bumuo ng regional darul iftah sa rehiyon.
Mga kababayan, maalala ko sa librong
binigay sa akin noon ni pangulong noy na coa special audit report ng armm sa
taong 2010, ang pinakasikat na ahensya na may best practice sa katiwalian ay
ang dpwh.
Ngayon, an gating dpwh ay naging tanyag at huwaran sa implementasyon ng
masinop, maingat at tamang pagamit ng budget nito. Dahil ditto, as of june
30,2014 nakapag-ipon ito ng savings na aabot sa 250,276 million pesos. Mula sa
savings na ito nakapag-acquire ang ahensya ng mga bagong equipo. Malaki rin po
ang naging kontribusyon n gating regional legislative assembly sa mga
pagbabagong nagaganap sa dpwh sa pamamagitan ng pagpanukala at pagpasa nila sa
batas na regional public works act. Kung saan ditto tinakda ang masusing
project identification, pagtanggal sa re-gravelling at paggamit ng lumpsum at
iba pang mga probisyon para sa reporma { maraming salamat po mga honorable
assemblymen and women ng regional legislative assembly}
Alam nyo po ban a ang inabutan nating
budget para sa mga proyektong dinadaan sa dpwh ay nasa 1 billion a year lang,
nung naupo na tayo at sa pagbabagong ating nagawa naging 5.02 billion sa 2014,
bahagi na rito ang road to peace ng programang pamana, at sa 2015 naman ay
10,103 billion na. Malinaw po na pinapakita nito ang pagtiwala at kumpyansang
binigay ngayon ng pambansang pamahalaan sa ating dpwh.
Dati rati malaking perwisyo sa atin ang
mga lubak-lubak o hindi sementadong mga kalsada. Pahirapan ang pagtawid ng mga
produkto. Naging matamlay an gating ekonomiya dahil kapos an gating mga
imprastruktura. Ngayon nakumpleto nan g dpwh ang pagsesemento sa 158,907
kilometers na kalsadang magpapabilis sa ating paggalaw at magdudugtong sa ating
mga komunidad sa sakahan at pamilihan. May na construct tayong 5 tulay na
magdudugtong at magbibigay buhay sa ating mga komunidad. Ngayon sa malalayong
pook, hindi na mahihirapan an gating mga mamayan sa pagkukunan ng tubig dahil
may 13 water systems tayong naitayo. May 10 seaports din ang ating napalawak,
at 8 flood control and drainage facilities tayong nakumpleto na ang
konstrukyon.
Mga kababayan, tiniyak n gating dpwh na
ang tuwid na daang ating tinatahak ay pulido at sapat sa pinaglaan ng pera ng
bayan.
Dati rati bihira ang naglalakas loob na
magbuhos ng negosyo sa rehiyon. Sino po ba naming imbestor ang tataya sa
malalang sitwasyon ng peace and order at talamak na red tape sa pamahalaan.
Ngayon, dahil sa ating inayos na burukrasya at pamamalakad sa armm kasabay ang
matagumpay na usapang pangkapayapaan, tumaas ang kumpyansa ng mga negosyante.
Sa 2013 nakita natin ang pagbugso ng investments sa ating rehiyon na umabot ng
p1.46 billion. At sa third quarter pa lang ngayong taon pumalo sa mataas na
record na p3.372 billion halaga ng imvestments, higit doble pa ito sa naitala
nating investments sa nakaraang taon. Ito po ay bunga ng matagumpay na usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng gph at milf.
Dagdag pa rito, sa kauna-unahan
pagkakataon nailunsad natin sa probinsya ng tawi-tawi ang isang international
business conference. Dinaluhan ito ng mahigit 400 na mga negosyante mula Malaysia, brunei, Indonesia at japan at mga
multi-national companies sa Mindanao. Ang kumpyerensyang ito ay nagresulta sa
pledge na p900 million na halaga ng investments para sa oil palm industry,
power generation at sea weeds trading sa pagitan ng tawi-tawi, brunei, Indonesia
at Malaysia.
Tunay pong tinamasa na natin ngayon ang
resulta ng pagbabago sa rehiyon. Ang naibalik nating tiwala at kumpyansa ng
pambansang pamahalaan at n gating mamamayan ang nagtulak sa pag-unlad at
pag-igpaw n gating ekonomiya kahit sa maiksing panahon lang.
Mula sa paglugmok at nasa negative 0.3% sa
taong 2011 nung tayo po ay unang nanungkulan, ang gross regional domestic product
o grdp ng armm ay lumaki ng 3.6 percent sa taong 2013, umangat tayo mula sa
mapanglaw na recovery na 1.1 percent growth sa 2012.
Ang pag-igpaw na ito n gating ekonomiya ay
hinimok ng masigasig na paggampan n gating service sector at agrikultura ayon
sa Philippine statistic authority.
Sa buong bansa nananatili po tayong top
producer ng cassava, pumapangalawa sa mais, at pang-apat sa kape. At tayo ang
nangunguna sa buong bansa sa mga produktong dagat.
Kasabay sa pag unlad n gating produksyon
sa agrikultura ay pinapataas natin ang antas ng kakayanan n gating mga
kababayang nasa sector ng agrikultura at pandagat. Sa tulong ng mga programang pangsakahan ng national government gaya ng agri-pinoy,
sikat saka, bub at iba pa, naibahagi natin ang suporta sa ating mga magsasaka’t
mangingisda, mula sa produksyon hanggang sa post-production. Andito kasama po
natin ang ilan sa ating mga champions sa ibat-ibang larangan ng produksyon sa sector
ng agrikultura, bigyan po natin ng pagkilala, si Princess Kumalah Sug Elardo, isang coffee grower ng
Sulu Royal Coffee, si Benzar Asula isang
vegetable farmer mula sa Masulo, Basilan, at si Benjamin Abdulmaute ng
Al-RahmanMultipurpose cooperative ng Mamasapano, Maquindanao, producer ng
organic black ang brown rice, andito rin po si Mayor Raisara Mangondato, ng
Balindong, Lanao del Sur, sya po ang best implementor ng Mindanao rural
development program ayon saw b. Maraming salamat po at saludo kami sa inyo.
Tayo din po ngayon ay tinaguriang most
improved region sa usapin ng pagpapatupad ng commitment sa unified millennium development
goals sa pagbaba ng maternal and infant mortality.
Ayon sa national demographic health survey
at field services information system, sa taong 2008, ang maternal rate sa armm
ay nasa 245 per 100,000 na livebirths. Bumaba na po ito ngayon sa 51 per
100,000 livebirths sa taong 2013, mas mababa pa ho ito kumpara sa national rate
na 152 per 100,000 livebirths. Bumaba din po ang infant mortality rate natin
mula 55 per 1,000 livebirths sa taong 2008, naging 16 per 1,000 livebirths na
lang po sa 2013, pinakamababa poi to sa buong bansa.
Sa kasalukuyang tala tumaas ang nabigyan
natin ng philhealth cards mula 835,153 noong 2012 ngayon 2014 as of October ay
umabot nan g 1,535,661 members kasama ang pamilya. Sa philhealth accredited
hospitals naman ay mula sa 28 noong 2012 mayroon na ngayong 37, habang ang rhu
natin ay mayroon ng 50 na philhealth accredited ngayon mula sa 19 lang noong
2012
Hindi po naging masagana an gating rehiyon
ngayon, ginagawa poi tong malusog n gating department of health sa tuloy tuloy
nitong mga kampanyang pangkalusugan gaya ng anti-polio, laban sa tigdas at
marami pa. Hindi nap o matamlay o sakitin ang armm ngayon dahil sinisiguro po
nating malusog an gating mamamayan. Tayo ang pinakamataas na bilang na coverage
sa ligtas tigdas 2014 sa buong bansa, umabot tayo sa 97% sa measles sa buong
target population at kasabay nito nag 95% naman tayo sa polio vaccination.
Puspusan din po an gating pagsisikap na
mapaganda ang paghatid natin ng social services sa ating mga mahihirap na
kababayan. Pinalawig na natin ang mga pamilyang makikinabang sa programang 4ps
kung saan mayroon ng 402,484 na benepesyo sa buong rehiyon, kasabay nito ang
pamamahagi natin ng ibat-iba pang programang pang-kabuhayan para sa ating
mamamayan gaya ng sea-k, pamana, slp, sf, bub at iba pa.
At habang sumusulong an gating ekonomiya,
patuloy naman po ang pangangalaga at proteksyon n gating kalikasan. Tuloy tuloy
na naiplano natin ang kampanya laban sa illegal logging. Halos 92% na ang
binaba ng mga illegal na pagputol o pagkuha ng mga forest products. Mula sa
nahuli at nakumpiska nating mga illegal na forest produts, mula sa 2011 na
28,696 board feet at sa taong 2012 na 89,570 bord feet, ngayong taon ay 4,400
board feet na lang.
Habang pinoprotektahan an gating kalikasan,
Patuloy na pinangangalagaan at sinisiguro n gating denr na maibalik sa pagiging
luntian ang rehiyon. Sa kasalukuyan ay may 2,500 hectares na ang saklaw ng
nataniman na iba’t ibang species ng
punong kahoy.
Nagsikap din tayong ipatupad ang matuwid
na pamahala sa ating mga local na pamahalaan. Siniguro natin ang pagkakaroon ng
makatotohanang datos hinggil sa kalagayan ng pamamahala, tamang dokumento at
replication of good practices. Ngayong taon, may sampu {10} po tayong mga lgus
ang nagpamalas ng good governance initiatives, patuloy na pagpabuti ng good housekeeping,
pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagkakaroon ng local disaster and
preparedness plans.
Sa atin naming mga pantalan, dahil sa
masinsing pagkumpuni at pag-aayos ng pamamahala sa mga ito, nitong taon umabot
sa p12 million an gating nakuhang revenue collection mula rito. Ito’y isa sa
matas na record na nakuha ng ating regional ports and management authority, na
dati rati’y ay kakarampot o halos walang nakokolekta sa bawat taon.
Sa kauna-unahang pagkakataon din sa armm,
ang isang regional agency nito ay nakakuha ng iso certification. Ang
binabanggit kop o ditto ay an gating tesda. Sa wlang humpay na pagbibigay ng
vocational trainings sa ating mga kanataan, aabot sa 24,314 ang grumadweyt, mas
mataas poi to sa target nitong 22,204. Dumarami na ang bilang n gating mga
kabataan na nasasangkapan ng mga skills para makapaghanapbuhay.
Dahil sa palagi tayong binibisita ng mga
sakuna, itinayo natin ang armm humanitarian emergency action response team o
armm heart.Inihanda natin an gating mamamayan sa mga sakunang natural o
man-made. Naipakita din po natin ang pagtulong sa kapwa ay walang kinikilalang
teritoryo, sa pamamagitan ng armm heart naipa-abot natin an gating humanitarian
assistance sa mga biktima ng Yolanda sa visayas at sa mga idps sa naganap na
kaguluhan sa zamboanga city.
Nagpapatupad din po tayo ngayon ng ating
iskolar program. Binibigyan po natin ng scholarship ang mga karapat dapat na mga
kabataang nagmula sa mga kababayan nating kapos at walang kakayahang paaralin
ang kanilang mga anak. Dahil sa kakulangan natin sa mga propesyunal lalo na sa larangan ng medisina sa mga bayan
sa basilan, sulu at tawi-tawi, hinikayat natin an gating mga kabataan na
makapag-aral at magtapos upang makapagserbisyo sa kanilang mga bayan. Sa
pinaghalong suporta mula sa aking special purpose fund at s ached-armm, sa
kasalukuyan ay umabot nap o nang 1,765 ang bilang n gating mga iskolar, mga
kabataang nabigyan natin ng pag-asang makatapos sa kanilang pag-aaral sa
kolehiyo.
Pakinggan po natin ang boses n gating pag-asa
ng bayan: {video interview of a scholar ng iskolar program}
At upaang maihatid natin ng diretso ang
serbisyo sa mismong mga komunidad, kinonseptualisa at tinayo po natin ang
programang armm helps o armm health education,
livelihood, peace and governance and synergy. Sa pamamagitan ng armm
helps naitayo natin ang mga clusters ng mga government insfrastructures sa 53
na mga barangays at mga pangkabuhayang proyekto batay sa kanilang mga
pangangailangan.
Ang lahat ng tagumpay na ito ay dahil sa
ating partnership sa mga csos, sa lgu at sa active participation ng mga
kababayan. Ang kaibahan ho ngayon sa ating partnership ay aktibo ang
participasyon n gating mga local government units. Sa kauna-unahang
pagkakataon, dahil sa partnership na ito umabot na tayo ngayon sa 97%
obligation accomplishment sa implementasyon n gating bottom-up-budgetting
(bub). Sa katunayan, sa isla ng tawi-tawi, ang bayan ng tandubas isa sa
pinakamalayong isla pero sila pa ang unang nakatapos ng kanilangh bub projects,
andito po kasama po natin ngayon si Mayor Rahiema Sali, ng Tandubas na syang
naka-100% bub completion. Patunay poi to kung gaano ka epektibo an gating partnership
sa ating mga lgus.
Hindi rin po natin makakaligtaan ang
suportang binibigay sa atin para sa usapang pangkapayapaan sa bahaging ito ng
bansa. Patuloy an gating pagsusumikap na makapaghatid ng serbisyo lalong lao na
sa mga conflict affected ares sa pamamagitan ng programang payap at masaganang
pamayanan o pamana, meron tayong p2.0524 bilyon pondo para sa 205.24 kilometer
na kalsada na tawag natin ay “ roads to peace”. Maliban ditto, ang paman ay
namahagi din ng mga suporta sa pangkabuhayan particular na sa mga communities ng mga kapatid nating mnlf. Meron
pong nailaan na p430 million pondo para sa livelihood projects ng 180
cooperatiba n gating mga kapatid na mnlf.
Mga mahal kong kababayan, Kung hindi pa ho
pagbabago ang inyong nakikita at nadama, ewan ko nna lang po. Kung hindi pa ho
bagong armm ang meron tayo ngayon, ewan ko na lang po kung meron pang iba. Kaya
nga po napakainam na tawagan na magbibigay ng bukod tanging pagkilala sa kung
ano tayo ngayon ay bilang “the working armm government” csa mga nagduda na
hindi natin kayang gawing possible ang imposibleng mangyari, hindi po naming kailangang
magpaliwanag, hahayaan ko nna lang po na ang pagbabagong nagaganap sa inyong
paligid ang pumukaw sa inyo. Hayaan na lang po natin ang kasaysayan ang magsabi
nito baling-araw.
Mga kababayan sa munting panahon na
natitira sa atin, sisikapin nating mas pabilisan ang pagbibigay ng serbisyo
upang mapalakas pa natin an gating batayang pamayanan at upang magkaroon ng
matibay na pundasyon bago mag-bangsamoro.
Mula sa 50 paabutin pa po natin sa 100
barangays ang magiging benepisaryo n gating armm helps program.
Tatapusin po natin ang mga ongoing at
target infrastructure projects gaya ng natitira pang dapat sementohing 365.502 kilometers na kalsada sa pangkabuoang
target nating 524.409 kilometers, tatapusin din po natin ang mga targets nating
ayusin o iconstruct na ang mga tulay, pantalan, water systems, school building
at iba pa. Papaigtingin pa natin ang mga programa’t sebisyo sa larangan ng
agrikultura, kalusugan, edukasyon at kalikasan. Palakasin natin an gating partnership
sa local government units sa usaping peace and order. Sa 2015 itatayo natin ang
mga special peace and order councils batay sa geographical na pormasyon at sa
kanilang particular na security concerns.tulong ng ating mga lgus ipapatupad
natin ang clustering ng magkakadikit na municipalities para matulungan sa pag
pigil sa kriminalidad at iba pang mga banta sa seguridad. Lahat ng ito ay
gagawin natin sa tulong n gating mga lgu at mga regional legislative
assembly,----- double-time, sisnsin at pulido para maging matiwasay ang
transition sa pagpasok ng bangsamoro.
Ang tagumpay nating nakamit ngayon ay
bunga ng ating mga pagsuusmikap, n gating pagtutulungan, ginawa naming an
gaming trabaho para sa inyo at sinuklian naman po ninyo kami ng inyong suporta
at kooperasyon. Kaya sa yugtong ito nais ko pong magpasalamat sa inyong lahat,
hayaan nyo po akong ihayg ito at taos pusong ipadama sa inyo.
Una, nais ko pong pasalamatan ang aking
pinakamasipag at pinagkatiwalaang Executive secretary si atty. Laisa Alamia,
siya po ang wonder woman ng armm, ang team captain ng aking gabinete, maraming
salat ES.
At siyempre ang aking buong gabinete,
mangyari npong tumayo….. Mga kababayan sila po ang nasa likod n gating pagsusumikap
upang maihatid sa inyo ang pagbabago. Ito po ang aking reform team, ang aking
mga klasama sa trabaho. Mga kasama ko sa kabinete, sa inyong pasensya,
paatitiwala, at panahon sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po sa
inyo.
Nais ko pong pasalamatan ang mga kasama
natin sa civil Society organizations, at mga partners natin na mga
international organizations na naging bahagi po n gating paglalakbay sa
reporma. Maraming salamat po mga kasama’t kaibigan.
Sa mga partners nating mga local
government officials, na nagbibigay ng suporta sa atin sa bawat hakbang n
gating pagsulong. Maraming salamat po mga honorable sirs.
Sa akin din pong pamilya, lalo na sa aking inah na kasama
po natin ngayon, sa aking asawa’t mga anak, para sa inyong pasensya, paggabay,
suporta at walang kamatayang pagmamahal, ang aking labis labis na pasasalamat.
At higit sa lahat, sa ating mga
kababayan, maraming salamat po. Kayo po ang aking inspirasyon, kayo po ang
dahilan kung bakit tayo ay nagtagumpay.
Mga kababayan, ngayong ramdam na natin ang
pagbabago, ngayong tinatamasa na natin ang bunga nito, ito po ang aking
masasabi;”kung ano po ang inabot natin ngayon, natitiyak ko po na mas higit pa an
gating makakamit kapg tatg na nag bangsamoro. Ibibigay sa atin ng itatayong
bangsamoro ang pagkakataong pagibayuhin ang mga tagumpay na ating nakamit
ngayon. Alalahanin po natin na ang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng dugo at
pawis n gating mga ninuno at ang abngsamoro sa hinaharap ang bunga ng
sakripisyo at pagsisikap nating lahat. Huwag po tayong mag alangan sa kinabukasan at maniguro’t magksya na lang
sa kung anong meron tayo ngayon. Huwag
nating sayangin ang pagkakataon. Huwag po tayong mag-aabang na lang na mangyari ang kasaysayan. Tandaan po
natin na ang susi para sa kapayapaan ng buong bayan at kasaganaan para sa
lahat, ay bangsamoro higit sa ating sarili. Ang bansamoro ang magiging
katuparan n gating mga pangarap bilang mamamayan. Salubungin natin ito. Yakapin
natin ito ng buong puso……”
Mga kababayan, dapat lahat tayo ay bahagi
ng kasaysayang ito. Lahat tayo ay may papel na ginampanan at gagampananpa.
Nakatingin man tayo sa ako pa roon, pero tiyakin nating nakaapak an gating mga
paa sa lupa ng kinalagyan natin ngayon. Sa maiksing panahon nakayanan nating mabago ang kailangang
baguhin at maituwid ang dapat ituwid. Sa natira pang mga araw gawin lang natin ang dapat at tama, tuloy lang
tayo sa reporma. Ito lang ang pamanang
ating iiwan, dahil matpos ang lahat, tanging an gating mabuting gawa ang
magsasalita at tutularan ng mga susunod sa atin.
Sa kasaysayan n gating paglalakbay sa
armm, muling sumagi sa aking isipan ang sinabi ng aking anak na imaneho ang
mamamayan para sa kanilang patutunguhan. Pero hindi rin pala sapat ang maging
driver lang. Marami rami tayong natutunan sa ating paglalakbay na maaring
pagpulutan ng aral sa mga hinaharap. Ang palagi kong binabanggit na kahit anong
ganda pa ng sasakyan pero kung ang driver ay pagmamaneho lang ang alam at bigla
syang nasiraan sad an, mauunahan pa rin sya ng kahit karag-karag lang na
sasakyan na ang driver ay maliban sa
marunong magmaneho ay magaling din na mekaniko.
Mga kababayan sa aking pagmamaneho marami
akong naging kasama na mga magagaling na mekaniko. Naipatakbo natin an gating sasakyan
ng maayos at napatunayan natin na ditto sa bahaging ito ng mundo, tayong mga
muslim, tayong mga moro ay kayang magpatakbo ng gibyerno, na kaya nating itakda
an gating kinabukasan bilang mamamayan. Sa aking naging papel sa kasaysayang
ito, taan kong masasabi, hindi ko pinahiya ang aking pamilya, at higit sa lahat
hindi ko pinahiya ang muslim at bangsamoro.
Mga minamahal kong kababayan, HINDI KO KAYO
BINIGO!!!!!!
MARAMING SALAMAT PO AT MAGANDANG ARAW SA
LAHAT!!
No comments:
Post a Comment